Skip to Content

Paano makuha ang iyong talaan ng bakuna para sa COVID-19 online

Alamin kung paano makakuha ng kopya ng iyong talaan ng bakuna para sa COVID-19 sa website ng My HealthVet o sa iyong mobile device. Maaari mo rin gamitin ang kard ng bakuna mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) o kaya ang larawan ng kard, bilang patunay ng iyong pagbakuna.

Kunin ang iyong mga talaan mula sa My HealthVet at gamitin ang premium na account 

Kung mayroon kang premium na account sa My HealthVet, maaari mong i-download ang kopya ng mga talaan ng iyong bakuna sa pamamagitan ng My HealthVet. Ang opsyon na ito ay mas maiging magamit sa desktop o laptop.

Mag-sign in sa My HealthVet at gamitin ang iyong premium na account.

Mag-click sa Health Records.

Mag-click sa VA Blue Button Report o ang VA Health Summary. Maaari mong piliin alin man sa dalawa o kapwa.

Mag-download sa iyong impormasyon.

  • Para sa VA Blue Button: Piliin ang petsang nais mong ilagay sa iyong ulat. Para sa uri ng impormasyon, piliin ang VA Immunizations. Ililista sa iyong ulat ang bawat isang dosis ng iyong bakuna para sa COVID-19.

    Matapos mapadala ang iyong kahilingan, ikaw ay makakatanggap ng mga link sa PDF o bersyon na payak na teksto ng iyong ulat para i-download.
  • Para sa VA Health Summary: Sa umpisa, piliin ang Immunizations mula sa listahan ng mga nilalaman. Mangyaring hindi puede mapalitan ang saklaw ng petsa o ang impormasyon tungkol sa uri ng bakuna na nais mong  isama sa ulat. Lahat ng iyong pagbabakuna sa VA ay ililista sa iyong ulat.

    Matapos  mapadala ang iyong kahilingan, ikaw ay makakatanggap ng mga link sa PDF o ang XML na  bersyon ng iyong ulat para i-download. Mababasa ng mga computer ang XML na file.

Kunin ang iyong mga talaan sa mobile device

Sa pamamagitan ng online account, makukuha mo ang talaan ng bakuna sa aming opisyal na VA Health and Benefits app o sa pamamagitan ng health app na hindi VA (ikatlong partido).

Kasama sa talaan ng bakuna ang kahit anong COVID-19 na bakunang natanggap sa pangkalusugang pasilidad ng VA. Makakasama rin sa talaan ang COVID-19 na bakunang natanggap sa labas ng VA kung ibinahagi mo ang larawan ng kard ng talaan ng bakuna sa iyong pangkat na nangagalaga sa kalusugan sa VA.

Paano makukuha ang iyong talaan ng bakuna sa pamamagitan ng VA Health and Benefits app

Sundin itong mga hakbang para makuha ang talaan ng  COVID-19 na bakuna sa pamamagitan ng VA Health and Benefits app.

Kung wala ka pang VA Health and Benefits app, i-download ang app ngayon mula sa Apple o Google Play app store.

Kunin ang VA Health and Benefits app sa Apple app store (sa English)

Kunin ang VA Health and Benefits app sa Google Play store (sa English)

Mag-sign in sa app.

Sa unang beses na mag-sign sa app, dapat kayong mag-sign gamit ang Premium DS Logon, Premium My HealtheVet o peribikadong ID.me na account. Kung wala kayong kahit isa sa mga account na ito, maaari kayong gumawa ng peribikadong ID.me na account.

Maaari mo rin i-set up na mag-sign in gamit ang biometric. Magagamit mo ang built-in security ng telepono tulad ng limbag ng daliri o pagkilala sa mukha—para ma—access nang ligtas ang inyong impormasyon.

Gumawa ng peribikadong ID.me account (sa English)

Magtungo sa Health care na bahagi ng app.

Piliin ang VA vaccines.

Piliin ang talaan ng bakuna na nais mong ibahagi sa iyong cellphone.

Paano makuha ang mga iyong talaan sa pamamagitan ng konektadong app

Sa pamamagitan ng iyong online account, maaari mong ikonekta ang iyong pangkalusugang talaan sa VA sa isang health app na hindi bahagi sa VA (o ikatlong partido). Saka maaari mo rin makuha at ibahagi ang talaan ng iyong pagbakuna mula sa connected app sa iyong mobile device. 

Sundin ang mga sumusunod para maikonekta ang iyong mga talaan sa isang app:

Hanapin ang app na gustong gamitin tulad ng Apple Health para sa Iphone o CommonHealth para sa Android. Maaaring naka-install na sa iyong device ang ibang app tulad ng Apple Health. Makikita mo ang iba pang app sa app store ng iyong device.

Kapag sinabi ng app na ikonekta ang iyong VA account, idirekta ka upang mag-sign in.

Mag-sign in sa paggamit ng iyong Premium DS Logon, Premium na My HealthVet, o ang beripikado na ID.me account. Kung wala kang anuman sa mga account na ito, maaari kang lumikha ng beripikado na ID.me account ngayon.

Gumawa ng ID.me account (sa English)

Suriin ang impormasyong hinihingi ng app na i-access. Kung ikaw ay sang-ayon na ibahagi ang impormasyon, i-click ang allow access.

Alamin kung anong gagawin kung magkaproblema sa app
  • Kung may problema kang makakonekta sa app: Makipag-ugnayan sa app support para sa tulong.

  • Kung may problema sa pag-sign in sa VA account: Basahin ang aming karaniwang itinatanong tungkol sa pag-sign in sa VA.gov (sa English)

  • Kung hindi makita ang iyong mga pangkalusugang talaan: Tatagal ng hanggang 36 na oras para makita ang iyong bagong pangkalusugang talaan upang mabigyan ng panahon ang nangangalaga na talakayin muna sa inyo ang mga resulta. Kung mahigit 3 araw na ang nakalipas simula ng iyong huling tipan o kung kailangan mo kaagad ang impormasyon, makipag-ugnayan sa nangangalaga ng iyong kalusugan sa VA.

  • Kung hindi tama ang iyong impormasyon: Tumawag sa aming pangunahing linya ng impormasyon na MyVA411 sa 800-698-2411 (TTY: 711). O kaya ay humingi ng tulong sa ang aming tauhan ng VA sa pasilidad na malapit sa iyo.
    Hanapin ang pasilidad ng VA na malapit sa iyo (sa English)
  • Kung ang nakuha mong mensahe ay “unreadable data”: Ibig sabihin, ang nakakonektang app ay may access sa iyong impormasyon subalit magkaiba ang interface na ginagamit. Huwag kang mag-alala. Kung may tanong patungkol dito, magpadala ng feedback mismo sa app.